dzme1530.ph

MGA SASAKYANG BUMABIYAHE SA NLEX AT SCTEX, NABAWASAN

Loading

Nabawasan na ang mga sasakyang bumibiyahe sa North Luzon Expressway at Subic-Clark-Tarlac Expressway dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

 

Ayon kay NLEX Corporation Assistant Vice President for Traffic Operations Robin Ignacio, bumaba sa 350,000 ang vehicular traffic sa NLEX habang 80,000 sa SCTEX simula pa noong unang linggo ng Marso.

 

Sinabi ni Ignacio na kumpara sa mga nakalipas na taon ng Semana Santa, higit na maluwag ngayon ang trapiko sa mga expressways.

 

Inaasahan namang madaragdagan ng three percent ang daily average vehicles sa NLEX at SCTEX ngayong Holy Week.

 

Posible aniyang tumaas sa 400,000 a day ang vehicle traffic sa NLEX habang 87,000 sa SCTEX.

 

Sa gitna nito ay patuloy ang paghahanda ng NLEX Corporation upang matiyak ang ligtas na biyahe para sa lahat.

About The Author