dzme1530.ph

PANALANGIN, REPLEKSYON AT RENEWAL SA NGALAN NG PAGKAKAISA, HILING NI CONG. ROMUALDEZ NGAYONG SEMANA SANTA

Loading

Ngayong Semana Santa, hiniling ni former House Speaker at Leyte Cong. Ferdinand Martin Romualdez ang panalangin, repleksyon at renewal sa ngalan ng pagkakaisa.

 

Ayon kay Romualdez, ang Semana Santa ay panahon ng pagdarasal at pagninilay, panahon ng pag-alala sa dakilang pag-ibig ng Diyos, pag-ibig na nagbigay ng pag-asa at umaakay sa atin para magbalik-loob sa Panginoon.

 

Ngayong humaharap aniya ang bansa sa pagsubok dala ng Middle East conflict, hindi naman tayo nag-iisa dahil patuloy na kumikilos ang Panginoong Diyos para sa atin.

 

Nanawagan din ito sa lahat ng faithful na suriin ang kanilang puso at pagkukulang, kasabay ng pag-unawa at pagmamalasakit.

 

Umaasa si Romualdez na ngayong Holy Week, matagpuan nawa natin ang paghilom at pagpapatawad hindi lamang sa ating sarili, kundi sa buong pamilya at sa buong bayan.

About The Author