![]()
Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na mayroon silang sapat na fuel supplies para sa mga airport sakaling magkaroon ng power interruptions.
Sinabi ni CAAP spokesperson Eric Apolonio na mayroon sapat na reserbang diesel ang mga paliparan, sa harap ng posibleng nationwide fuel shortage bunsod ng tensyon sa Middle East.
Ayon kay Apolonio, bihira lang gamitin ang reserba nilang diesel at lahat naman ay nakahanda sakaling magkaroon ng power failure sa supplier nila sa labas.
44 commercial airport sa buong bansa ang pinangangasiwaan ng CAAP.
