![]()
Tatlong Lebanese journalist ang patay matapos targetin ng Israeli strike ang kanilang sasakyan sa Lebanon.
Nasawi si Ali Shoeib, reporter ng Hezbollah-affiliated Al Manar TV, sa bayan ng Jezzine, kasama ang isa pang reporter na si Fatima Ftouni at kapatid nitong cameraman na si Mohamed Ftouni, na kapwa mula sa Al Mayadeen channel.
Kinumpirma ng Israel Defense Forces na napaslang sa pag-atake si Shoeib na inilarawan nila bilang terorista mula sa Radwan Force ng grupong Hezbollah na nagpapanggap na journalist.
Inakusahan ng Israeli military si Shoeib na nag-o-operate sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang mamamahayag na nagsisiwalat ng mga lokasyon ng Israeli soldiers sa southern Lebanon.
