![]()
Tiniyak ng Manila Electric Company o Meralco ang stable at reliable na power supply ngayong Holy Week.
Sinabi ni Meralco Vice President at Corporate Communications Head Joe Zaldarriaga, naka-standby ang kanilang response teams 24/7 para sa anumang power-related concerns.
Tiniyak ni Zaldarriaga na nakahanda ang kanilang mga kawani na agad tumugon sa anumang magiging problema.
Pinaalalahanan naman ni Zaldarriaga ang publiko lalo na ang mga aalis sa kanilang mga bahay sa mga safety reminders.
Kabilang dito ang pag-unplug ng lahat ng appliances; iwasan ang overloading ng mga extension cord o ang tinatawag na octopus connections; pagpapanatiling maayos ng lahat ng wires malayo sa mga dinaraanan ng tao at pagtiyak na lahat ng electrical devices ay malayo sa tubig.
