![]()
Pinaigting ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang kanilang pag-iinspeksyon sa lahat ng bus at iba pang public utility vehicle terminals sa gitna ng paghahanda sa Holy Week break.
Ayon kay LTFRB Chairperson Vigor Mendoza II, pangunahing tinututukan nila ay ang kaligtasan ng mga commuter at iba pang road users.
Ito ay sa pamamagitan ng pagtiyak ng road worthiness ng mga bus at iba pang PUV na bumabyahe bukod pa sa pagtiyak na nasa maayos ang physical and mental readiness ng mga drivers.
Nag-isyu naman ang LTFRB ng show-cause orders at notices of violations sa ilang terminal owners at operators dahil sa mga nakitang paglabag.
Sinabi ni Mendoza na walang excuse sa pagpapatupad nila ng mga polisiya at dapat mapatawan ng parusa ang mga lumalabag.
