dzme1530.ph

MGA PULIS NA LUMALABAG SA BATAS, WALANG LUGAR SA PNP, AYON KAY PANGULONG MARCOS

Loading

Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa PNP ang zero tolerance policy sa korapsyon at pag-abuso sa karapatang pantao sa loob ng police organization.

 

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kanyang talumpati sa 47th Commencement Exercises para sa “SILANG PAGLAOM” Class of 2026 sa Philippine National Police Academy campus, sa Silang, Cavite.

 

Mahigpit na bilin ng PNP, pati na sa National Police Commission (NAPOLCOM) na walang lugar sa kanilang propesyon ang mga lumalabag sa batas.

 

Inatasan ni Marcos ang PNP at ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipagpatuloy ang maagap at patas na imbestigasyon sa bawat opisyal na lumabag sa kanilang sinumpaang mandato.

 

Idinagdag ni Pangulong Marcos na maaaring ma-improve ang public trust sa pamamagitan ng pinaigting na police visibility at transparency sa mga imbestigasyon.

About The Author