![]()
Binigyang-diin ni Energy Secretary Sharon Garin ang kahalagahan ng pagkakadiskubre ng natural gas sa Camago-3 well sa Palawan na bahagi ng Service Contract No. 38 na na-secure ng Prime Energy.
Sinabi ni Garin na ang additional output mula sa Camago-3 ay inaasahang magpapatatag sa energy supply ng bansa sa mas mababang halaga kumpara sa imported fuel.
Aniya, nangangahulugan ito na tatagal ang supply ng natural gas sa bansa at nakatutulong ito sa pagbaba ng presyo ng kuryente.
Inihayag ng Prime Energy na on track ang delivery nila para sa unang gas output mula sa Malampaya Phase 4 Project sa huling quarter ng taon.
