![]()
Tiniyak ng business tycoon na si Ramon Ang na makikipagtulungan sa gobyerno ang kanyang kumpanyang Petron Corporation, upang maibsan ang pasanin ng publiko dulot ng global oil price shock.
Sinabi ni Ang na handa rin siyang ibenta sa pamahalaan ang Petron, na pinakamalaking oil refiner at retailer sa bansa.
Nangako ang Chairman, President and CEO ng oil company na hindi nila sasamantalahin ang fuel crisis at hindi sila kikita ng higit pa sa normal.
Aniya, kung gusto ng gobyerno ay puwede bilhin sa kanya ang Petron at ibibigay niya ang kanyang 100 percent cooperation para tulungan ang mga Pilipino.
Una nang inihayag ni Energy Secretary Sharon Garin na hindi magandang ideya para sa pamahalaan na pansamantalang i-takeover ang operasyon ng oil companies, dahil sa kakulangan ng kapasidad na magpatakbo ng nasa 14,000 fuel stations sa buong bansa.
