![]()
Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuloy, alinsunod sa schedule ang ASEAN Leaders’ Summit sa Mayo, sa kabila ng krisis na dulot ng kaguluhan sa Middle East.
Sinabi ng Pangulo na tinanong niya ang kanyang counterparts mula sa ASEAN Member States, kung nais nilang i-potpone ang summit bunsod ng ongoing tension.
Aniya, nagkaroon ng consensus na ngayon ang tamang panahon para magkaisa ang kanilang mga hakbang.
Inihayag ni Marcos na tututukan sa summit ang supply ng petroleum products, supply at presyo ng pagkain, at kalagayan ng migrant workers.
Idinagdag ng Chief Executive na tentatively ay tuloy din ang Leaders’ Summit Nobyembre dahil mahalaga ani ya ang pagpunta sa bansa ng iba’t ibang world leaders mula sa Europe, China, South Korea, at Japan.
Ayon kay Marcos, pagdating ng Setyembre o Oktubre ay tatanungin niya muli ang mga counterpart kung itutuloy nila ang Leaders’ Meeting.
