![]()
Gaganapin sa Vietnam ang 75th anniversary celebration ng Miss World.
Ginawa ang anunsyo para sa preliminary event para sa 2026 Miss World Vietnam pageant.
Ito ang unang beses na magho-host ang Southeast Asian country ng longest-running international beauty pageant.
Ang Miss World pageant ang ikatlo sa “Big 4” international pageants na iho-host ng Vietnam.
Una nang ginanap dito ang Miss Earth noong 2010 at 2023 habang idinaos ang Miss Universe competition noong 2008.
