![]()
Dumating si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa Saudi Arabia para dumalo sa mahahalagang meetings.
Una nang inalok ni Zelensky ang expertise ng Ukraine sa drone technology bilang paraan ng pag-improve ng security sa buong mundo, partikular sa Gulf.
Binigyang-diin ng Ukrainian president na hindi lamang ito paggawa ng bagong weapons, hindi rin lamang teknolohiya, kundi tunay na karanasan sa paggamit nito at isama ito sa mga radar, aviation, at iba pang defense systems.
Idinagdag ni Zelensky na bilang kapalit, ay hihirit siya ng tulong na ipagtanggol ang Ukraine laban sa nagpapatuloy na Russian invasion.
Kinumpirma ng Kvertus, isang Ukrainian company na gumagawa ng anti-drone electronic warfare systems, na nilapitan sila ng Saudi Arabia at Kuwait.
