dzme1530.ph

MGA SENADOR, HANDA SAKALING MAGPATAWAG NG SPECIAL LEGISLATIVE SESSION ANG PANGULO

Loading

Handa ang mga senador kung sakaling magpatawag ng special legislative session ang Pangulo sa gitna ng patuloy na kaguluhan sa Middle East.

 

Ito ang tiniyak ni Senate President Vicente Tito Sotto III kasundo ng deklarasyon ng state of national energy emergency.

 

Sinabi ni Sotto na inaasahan niyang lahat ng senador ay dadalo sa special session kung ipatawag ng Malacañang.

 

Subalit sa ngayon ay wala pang nakikitang dahilan si Sotto upang sabihan ang kanyang mga kasamahan na maghanda sa posibleng special session.

 

Sa kabila nito, kumpiyansa si Sotto na nagmomonitor ang lahat ng mga senador sa mga development sa bansa.

About The Author