dzme1530.ph

16 OFWs MULA SA LEBANON, NAKABALIK NA SA BANSA KAGABI

Loading

16 overseas Filipino workers mula Lebanon ang dumating sa bansa kagabi bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan na i-repatriate ang distressed OFWs mula sa Middle East.

 

Ayon sa Department of Migrant Workers, dumating ang OFWs lulan ng Turkish Airlines flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

 

Ito ang ikalawang batch ng OFWs mula sa Lebanon na ligtas na nakauwi sa Pilipinas sa gitna ng kaguluhan sa Middle East.

 

Sinalubong sila ng personnel ng ahensya sa pangunguna ni DMW Assistant Secretary Regina Angela Galias, at ng personnel ng Overseas Workers Welfare Administration, at isang medical team.

 

Ipinahayag ng DMW na 26 OFWs na mula sa Lebanon ang nakabalik na sa bansa, kabilang ang sampung naunang dumating noong March 10.

About The Author