dzme1530.ph

PANIBAGONG MALAKIHANG TAAS-PRESYO SA PRODUKTONG PETROLYO, UMARANGKDA NA

Loading

Panibagong double-digit na dagdag-presyo na naman sa bawat litro ng diesel ang ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ngayong araw.

 

Ayon sa Jetti Petroleum, epektibo kaninang alas-6:00 ng umaga, nadagdagan ang presyo ng diesel ng 18 pesos bawat litro habang karagdagang 8 pesos bawat litro naman ang ipinataw sa gasolina.

 

Ang Unioil ay nagpatupad din ng 16.80 pesos increase sa bawat litro ng diesel habang 9.70 pesos sa kada litro ng gasolina.

 

Sa gitna pa rin ito ng epekto ng patuloy na kaguluhan sa Middle East.

 

Ito na ang ika-11 magkakasunod na pagtaas sa presyo ng gasolina at pang-13 naman sa diesel.

About The Author