![]()
Dumalo ang mga miyembro ng BINI sa isang thanksgiving and send-off mass bago umalis patungong California para sa Coachella.
Ang misa ay pinangunahan ni Father Tito Caluag at dinaluhan din ng ABS-CBN executives, kabilang si Star Magic head Laurenti Dyogi, at ilang miyembro ng pamilya ng P-pop group.
Sinabi ng lider ng grupo na si Jhoanna na sa bawat ganap ng BINI ay palagi silang nagkakaroon ng pa-misa kasabay ng pagpapasalamat sa guidance ng Panginoon.
Hanggang ngayon ay nagte-training pa rin ang all-girl nation’s group at pinupolido ang kanilang Coachella set sa tulong ng kanilang dance at vocal coaches.
Nakatakdang magtanghal ang BINI sa Coachella sa April 10 at 17.
