dzme1530.ph

IPINAPANUKALANG PAGPAPALIBAN NG HOSTING NG PILIPINAS SA ASEAN SUMMIT, SUPORTADO NG SENATE LEADERSHIP

Loading

SUPORTADO ng liderato ng Senado ang panawagang pag-aralang ang posibleng pagpapaliban ng hosting ng bansa ng 2026 ASEAN Summit and Related Summits.

 

Ang aktibidad ay pinondohan ng gobyerno ng P17 billion.

 

Ayon kay Senate President Vicente Tito Sotto III, dapat ikonsidera ng administrasyon ang suhestyon ni dating Finance Secretary Gary Teves.

 

Sinabi ni Sotto na ang sitwasyon ay nangangailangan ng naturang aksyon.

 

Naniniwala naman si Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na mauunawaan ng mga kapitbahay nating bansa kung magdesisyong ipagpaliban ang hosting.

 

Samantala, iginigiit ni Senador Imee Marcos na hindi dapat umabot sa P17 billion ang gastos sa aktibidad.

 

Maaari anyang simplehan ang mga meetings dahil maging ang iba pang miyembro ng ASEAN ay namomroblema rin dulot ng tensyon sa Middle East.

About The Author