dzme1530.ph

PAGHARAP SA AKUSASYON NA NAKAPALOOB SA IMPEACHMENT COMPLAINTS, OBLIGASYON NI VP SARA

Loading

Isang pagkakataon para kay Vice President Sara Duterte na iparinig sa taumbayan ang kanyang panig sa isyu ng impeachment.

 

Iyan naman ang hinihintay ni Deputy Speaker Paolo Ortega V, co-endorser ng 4th impeachment complaint.

 

Ayon sa kinatawan ng La Union, hindi ito politika dahil trabaho ito na iniatang sa Kamara ng Konstitusyon.

 

Obligasyon ng pangalawang pangulo na harapin ang akusasyon na nakapaloob sa complaint dahil ang sinasabi ng Saligang Batas, “public office is a public trust.”

 

Ang House proceeding sa Miyerkules ay itinuturing na tamang venue para kay VP Sara na ipaliwanag ang kanyang panig at agad sagutin ang mga katanungan ng mga kongresistang kasapi ng Justice panel.

About The Author