![]()
Inaasahang mararamdaman ang epekto ng tumataas na presyo ng fertilizer dulot ng pagsipa ng presyo ng oil products sa susunod na rice harvest.
Ayon kay Raul Montemayor, national president ng Federation of Free Farmers Cooperative (FFFC), ang inaani ngayong ng mga magsasaka ay itinanim noong mura pa ang abono.
Aniya, batay sa latest report ay mayroong mga fertilizer na doble na ang presyo.
Paliwanag ni Montemayor, kapag nagmahal ang abono, tataas ang gastos ng mga magsasaka o magtitipid sila sa paggamit nito, na magreresulta sa mahinang ani.
Inihayag ng grupo na maaaring maranasan ang epekto nito sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan, sa susunod na harvest cycle.
