![]()
Dalawang araw bago ang hearing ng House Committee on Justice, wala pa ring komunikasyon kung dadalo o hindi si Vice President Sara Duterte.
‘Yan ang naging tugon ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon matapos itong tanungin ng media hinggil sa Wednesday hearing ng komite.
Nitong nakalipas na linggo natanggap na ng opisina ni VP Duterte ang invitation letter ng Committee on Justice para sa pagdalo nito sa Miyerkules, March 25.
Para kay Ridon, ang pakikibahagi ng pangalawang pangulo ay bahagi ng constitutional process para marinig sa kanya ang mga dapat na sagot sa maraming katanungan.
