![]()
Ipinag-utos ng Department of Education (DepEd) sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa na gawing simple at matipid ang graduation at moving-up ceremonies para sa school year 2025–2026.
Sa ilalim ng DepEd Memorandum No. 015, series of 2026, inatasan ang mga eskwelahan na iwasan ang magarbong pagdiriwang at ipinagbabawal ang pangongolekta ng anumang fees o contributions mula sa mga mag-aaral para sa end-of-year rites.
Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na layunin ng direktiba na mapagaan ang pasanin ng mga pamilyang nahaharap sa mas mahal na pasahe at presyo ng mga bilihin.
Binigyang-diin ng kagawaran na ang pagdalo sa graduation at moving-up ceremonies ay hindi dapat naka-depende sa abilidad ng mag-aaral na magbayad.
Kasabay nito ay ang paalala sa mga opisyal ng paaralan na tiyakin ang inclusivity sa lahat ng seremonya.
