![]()
NAGPAHAYAG ng kalungkutan si Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson sa pagtanggi ng economic managers sa kanyang suhestyun na mula sa isang buwan ay gawing dalawang linggo ang panahon bago isuspinde o tapyasan ng Pangulo ang excise tax sa produktong petrolyo.
Sinabi ni Lacson na sa kasalukuyang sitwasyon ay dapat nang agarang suspindihin ng pamahalan ang fuel tax at hindi na kailangang hintayin pa ang 30 araw o isang buwan.
Ipinaliwanag ni Lacson na nakakabahala ang pahayag na posibleng umabot pa ng 45 araw ang monitoring sa presyo ng Dubai crude oil bago maaaring magsumite sa pangulo ng rekomendasyon ang mga economic managers o ang Development Budget, Coordination Committee o’ DBCC kung kailangan ng isuspinde o tapyasan lang ang excise tax sa langis.
Wala na anyang magagawa ang kanyang naging panukala na ikilian ang panahon na ipaghihintay bago isuspinde ang excise tax sa produktong petrolyo dahil sa hindi ito naikunsidera sa ipinasang panukala na nagbibigyang otorisasyon sa pangulo na isuspinde o bawasan ang excise tax sa langis.
Una rito sinabi ni Leyco na mas lalala ang pasanin ng publiko dahil sa epekto ng patuloy na tensyon sa Gitnang Silangan kung isang buwan pa ang hihintayin bago isuspinde o bawasan ang excise tax sa langis.
