dzme1530.ph

PAG-AGOS NG LAVA SA MAYON VOLCANO, NAOBSERBAHAN KAGABI

Loading

Naobserbahan ng PHIVOLCS ang pag-agos ng lava at pagbagsak nito sa Mi-isi gully ng Mayon Volcano, kagabi, sa gitna ng patuloy na effusive eruption ng bulkan.

Sa post sa kanilang social media accounts, ibinahagi ng PHIVOLCS ang time lapse video ng lava effusion ng Mayon, na naitala 11:13 kagabi.

Lumikha ito ng incandescent lava flows, pyroclastic density currents (PDC) o “uson,” at rockfalls.

Una nang ipinost ng ahensya ang time lapse video na nai-record 10:21 a.m. kahapon at mga litrato ng PDCs sa Bonga-Mabinit gully ng bulkan.

Muli namang ipinaalala ng PHIVOLCS na nasa alert level 3 ang Mayon Volcano at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer permanent danger zone ng bulkan.

About The Author