dzme1530.ph

LIBRENG SAKAY PARA SA MGA MAAAPEKTUHAN NG TIGIL-PASADA BUKAS, KASADO NA

Loading

Handa na ang Metropolitan Manila Development Authority sa libreng sakay para sa mga commuter na maaapektuhan ng transport strike bukas.

 

Ayon kay MMDA General Manager Nicholas Torre III, nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa security forces para sa deployment ng mga bus at transport vehicles.

 

Bukod dito, isinusulong din ng ahensya ang ‘active mobility’ o paglalakad at pagbisikleta sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga shower areas at solar-powered waiting sheds.

 

Binigyang-diin din ni Torre ang paggamit ng teknolohiya sa kanilang command center para sa mabilis na pagtugon sa mga insidente sa kalsada.

About The Author