dzme1530.ph

SENADO, HIHINTAYIN PA ANG BERSYON NG KAMARA SA EMERGENCY POWER BILL BAGO NILA MATALAKAY ANG PANUKALA

Loading

HIHINTAYIN muna ng Senado ang bersyon ng Kamara kaugnay sa panukalang pagbibigay ng emergency power kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. para suspindihin ang excise tax sa produktong petrolyo.

 

Ito ang kinumpirma ni Senate Committee on Energy Chairperson Pia Cayetano matapos ang kanilang pagdinig sa mga panukala para sa suspensyon ng buwis sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

 

Ipinaliwanag ni Cayetano na ang anumang tax measures ay kinakailangang magmula sa Kamara bago makaaksyon ang Senado.

 

Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Cayetano na maaprubahan nila panukala bago magbreak ang Kongreso.

 

Handa anya silang magdebate kahit magdamagan upang maipasa lamang ang panukala.

About The Author