![]()
Ikinu-konsidera ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad ng “4+1” blended learning model o 4 na araw na in-person classes at isang araw na online learning.
Ito ay upang makatulong na mapaluwag ang mga classroom sa gitna ng nakadidismayang kakapusan sa imprastraktura.
Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na kabilang ang naturang proposal sa iba’t ibang istratehiya na pinag-aaralan para mabawasan ang sobrang pagsisiksikan sa mga paaralan habang pinapabilis ng pamahalaan ang pagtatayo ng mga silid-aralan.
Ipinresenta ang proposal sa 2026 General Assembly of the League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa Pasay City.
Nanawagan si Angara sa mahigit 1,300 municipal mayors na makipagtulungan sa national government para matugunan ang classroom shortage, na kasalukuyang nasa 165,000.
