![]()
Binigyang pugay ni Darren Criss, na nakilala sa kanyang papel bilang Blaine Anderson sa television series na Glee, sa Filipina theater icon na si Lea Salonga, sa pagdiriwang ng Women’s History Month.
Ginawa ito ni Darren sa kanyang guest appearance kamakailan sa “The Kelly Clarkson Show” matapos tanungin kung sino sa Broadway women ang naka-inspire sa kanya.
Sinabi ng aktor na kahit sino na nasa kanyang posisyon, ang pipiliin ay si Lea, kasabay ng pagmamalaki sa legasiya ng singer-actress.
Hindi maubos-ubos ang papuri ng 39-year-old actor kay Lea na inilarawan niya bilang “extraordinary woman” at “wonderful performer.”
Noong 2011 ay nagkasama sina Darren at Lea para awitan ang legendary composer na si Alan Menken ng Disney medley sa isang Billboard event.
Si Criss na mayroong Filipina mother ay nanalo ng Best Performance by an Actor in a Leading Role in a Musical sa Tony Awards para sa kanyang performance sa Broadway musical na “Maybe Happy Ending” noong 2024.
