![]()
Hindi lahat ng uri ng diet ay maaaring sundin ng lahat ng klase ng tao.
Tulad ng one meal a day o OMAD diet na epektibo sa ilan subalit maaari namang magdulot ng panganib sa iba.
Narito ang mga uri ng taong hindi dapat mag-omad.
Ang mga taong may diabetes ay hindi maaaring mag-omad dahil posibleng bumaba nang husto ang blood sugar level.
Hindi rin maaari sa OMAD ang mga buntis o mga napapasuso dahil kailangan nila ng regular na nutrisyon.
Ang mga taong may eating disorder ay hindi rin dapat mag-omad dahil pinapalala nito ang unhealthy eating habits.
Hindi rin maaaring mag-omad ang mga underweight, may malalang sakit, kagagaling lang sa operasyon o karamdaman.
Ang OMAD diet ay maaari magresulat ng labis na panghihina at pagkahilo kaya’t mas mabuting kumonsulta muna sa doktor bago ito gawin.
