![]()
Bumuo ng Anti-Fake News Desk ang Presidential Communications Office upang labanan ang mga peke at mali-maling balita.
Ayon sa PCO, tatanggap ang Anti-Fake News Desk ng mga report mula sa media at publiko kaugnay sa mga misleading at kaduda-dudang content.
Agad na irerefer sa kinaukulang ahensya kabilang na ang Department of Information and Communications Technology at ang Department of Justice ang matatanggap nilang report.
Mandato ng bagong buong tanggapan na makipagtulungan sa mga digital platforms tulad ng meta at google para sa kampanya laban sa disinformation campaigns at pagsusulong ng accountability sa digital space.
Makikipagtulungan din ang Anti-Fake News Desk sa siyam na print news organizations para pagsusulong ng transparency, media literacy, fact-based reporting at responsible information sharing.
