dzme1530.ph

CONG. BONG SUNTAY, HAHARAP SA IMBESTIGASYON NG HOUSE ETHICS COMMITTEE, KASUNOD NG KANYANG “SEXIST REMARKS”

Loading

Matapos ang “sexist remarks” haharap sa imbestigasyon ng House Committee on Ethics and Privileges si Quezon City 4th Dist. Rep. Jesus “Bong” Suntay.

 

Sa sesyon kahapon, nag-privilege speech si Rep. Anne Matibag, chairperson ng House Committee on Women and Gender Equality at hiniling kay Majority Floor Leader Sandro Marcos na i-refer ang usapin sa Ethics Panel.

 

Sinabi ni Matibag na maraming kababaihan sa loob mismo ng Mababang Kapulungan ang nasaktan sa ginamit na analogy ni Suntay, lalo pa at inaasahan na sila dapat ang magtatanggol sa kanilang dignidad.

 

Giit ni Matibag, bilang ina at chairperson ng Women and Gender Equality, hindi niya palalampasin ang nangyaring ito.

 

Aniya, ang Kongreso ay isang “honorableng institusyon” na umuukit ng batas para protektahan ang publiko, kaya kalabisan na gawing katatawanan o pagpantasyahan ang kababaihan.

 

Sa isang mosyon ni Rep. Bel Zamora, hiniling nito na i-authorize ang Ethics Panel na magtakda ng meeting at paharapin si Suntay para i-assess ang naging pahayag nito, at i-report sa plenary ang findings at rekumendasyon.

 

Agad namang inaprubahan ang mosyon ni Zamora.

About The Author