![]()
Mas nakararaming pilipino ang naniniwala na ang papel ng kababaihan ay alagaan ang tahanan at pamilya, batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS)
83% ng respondents ang sumang-ayon sa pahayag, na ang trabaho ng lalaki ay kumita ng pera habang ang babae ay alagaan ang tahanan at pamilya.
8 percent naman ang tumutol sa pahayag habang 9% ang undecided.
Apat mula sa limang pinoy din ang sang-ayon sa statement na ang pagiging housewife at kasing fulfilling ng nagta-trabaho na may sweldo, habang 11% ang hindi sang-ayon at 7% ang undecided.
Samantala, 75% naman ang tumango sa statement na ayos lang ang magtrabaho subalit ang pinakagusto ng karamihan ng mga babae ay tahanan at mga anak, habang 14% ang umiling at 10% ang undecided.
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews, simula Nov. 24 to 30, 2025, sa 1,200 adult respondents sa buong bansa.
