dzme1530.ph

EPEKTO NG GULO SA MIDDLE EAST SA OFW REMITTANCES, PINABABANTAYAN NI PANGULONG MARCOS

Loading

Pinababantayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang posibleng epekto sa daloy ng OFW remittances ng tumitinding kaguluhan sa Middle East.

 

Sinabi ng Pangulo na apektado nito ang pamilyang Pilipino.

 

Kailangan din aniyang tutukan ang palitan ng piso kontra dolyar.

 

Aminado si Marcos na posibleng tumagal ng hanggang limang linggo ang digmaan sa Iran, batay na rin sa pagtaya ng Estados Unidos.

 

Kampante naman ang Malakanyang na mananatiling matatag ang remittances dahil patuloy pa rin naman ang trabaho ng mga OFW.

About The Author