dzme1530.ph

JASMINE CURTIS, BUMWELTA SA KONTROBERSYAL NA HIRIT NI CONG. SUNTAY SA KANYANG ATE NA SI ANNE CURTIS

Loading

Mariing binatikos ni Jasmine Curtis si Quezon City Rep. Bong Suntay dahil sa komento nito sa kanyang ate na si Anne Curtis, na ayon sa aktres ay objectification.

Sa Instagram story ni Jasmine, sinabi nito na “Respect is not complicated,” kasabay ng panawagan ng accountability mula sa mga inihalal na opisyal.

Nag-ugat ang isyu sa naging komento ni Suntay sa gitna ng deliberasyon ng House Committee on Justice kahapon.

Bago ang naturang post ng aktres, iginit ng kongresista na analogy lamang ang mga binitawang salitang “desire” at “imagination,” at dapat pa nga raw ituring na “compliment.”

Marami ang bumatikos sa mambabatas dahil sa pagtukoy nito ng pangalan, na hindi naman kasali sa paksang tinalakay.

Samantala, nananatiling tahimik si Anne sa isyu.

About The Author