dzme1530.ph

SPEAKER BOJIE DY, TILA PINASARINGAN SI CONG. SUNTAY SA PAGBATI NITO SA KABABAIHAN NGAYONG WOMEN’S MONTH

Loading

Nagpahayag ng pagbati at buong suporta si House Speaker Faustino Bojie Dy III sa mga kababaihan ngayong National Women’s Month.

 

Sa kanyang mensahe binigyan pugay ni Dy ang aniya “matagal ng nananahan sa bawat Pilipina, ang diwa ng Babaylan o lider na may katarungan, malasakit, tapang, at pananagutan sa komunidad.

 

Buhay umano sa bawat ina na lumaban para sa kanyang anak, sa mga babaeng guro na humuhubog ng pangarap, at sa bawat babaeng lider sa pamahalaan at sektor.

 

Mistulang may pasaring din ito kay Quezon City Rep. Jesus Bong Suntay na umani ng matinding pagbatikos sa netizens.

 

Ayon kay Dy, bilang mga mambabatas, may bigat ang kanilang mga salita at hakbang, kaya responsabilidad nila na tiyaking ang bawat Pilipina ay ginagalang, pinapakinggan, at pinoprotektahan.

 

Aniya, ang responsabilidad na ito at paggalang ay dapat dala dala nila araw-araw at hindi lang tuwing Women’s Month.

 

Kahapon naging mainit sa Kamara maging sa social media at media discussions ang ginamit na analogy ni Cong. Suntay sa debate ukol sa impeachment complaint ni VP Sara Duterte.

 

Pumalag si Congw. Ysabel Zamora at ipina-strike down sa record ng House Committee on Justice ang aniya “sexist remark” nito gamit ang actress na si Anne Curtis.

About The Author