dzme1530.ph

PAGPAPATUPAD NG FOUR-DAY WORK WEEK, INIREKOMENDA SA GITNA NG KAGULUHAN SA MIDDLE EAST

Loading

INILUTANG ng dalawang senador ang rekomendasyon na magpatupad ng four day work week ang ilang mga kumpanya sa gitna ng mga panawagan ng pagtitipid sa konsumo ng produktong petrolyo dahil sa kaguluhan sa Middle East.

 

Una nang sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na maaaring magpatupad ng four day workweek upang mabawasan din ang paglabas sa kalsada ng mga manggagawa kaya’t mababawasan ang konsumo sa petrolyo.

 

Nagpahayag din ng suporta rito si Ejercito sa kondisyong aprubado ito ng Department of Energy, Department of Finance at economic managers.

 

Sa ngayon anya ang mas kailangan ay amyendahan ang probisyon sa TRAIN Law upang mabigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na suspendihin ang excise tax sa produktong petrolyo.

About The Author