dzme1530.ph

KAMPO NI SANDARA PARK, ITINANGGI ANG ALEGASYON NA GUMAMIT ITO NG DROGA

Loading

Pinabulaanan ng kampo ni Sandara Park ang akusasyon ng kanyang kapwa 2NE1 bandmate na si Park Bom na gumamit siya ng droga.

 

Iginiit ng kampo ni Sandara na “groundless” o walang basehan ang mga alegasyon laban sa kanya.

 

Pinag-uusapan ang dalawa matapos isiwalat ng “You and I” singer sa isang binurang Instagram post na ginamit umano siya bilang scapegoat sa isyu ng sinasabing drug abuse ni Sandara.

 

Sa ulat ng E Daily, sinabi ng isang source na malapit kay Dara na nababahala ang K-pop idol sa kalusugan ni Park Bom.

 

Noong 2010, inakusahan si Bom ng pag-import ng 82 pills ng Adderall, na highly regulated sa South Korea dahil sa taglay nitong amphetamine.

 

Kalaunan ay ibinasura ang kaso matapos linawin ng aktres na ginagamit niya ang gamot para sa kanyang attention deficit disorder.

 

Matapos balikan ang pinagdaanan noong 2010, ibinunyag ni Bom na ang insidente ay ginamit umano upang pagtakpan ang paggamit ni Sandara ng droga.

About The Author