dzme1530.ph

DATING TAUHAN NI VP SARA DUTERTE NA SI RAMIL MADRIAGA, SINAMPAHAN NG KASONG PERJURY

Loading

Sinampahan ng kasong perjury ni Vice President Sara Duterte ang dati niyang tauhan na si Ramil Madriaga.
 
Una nang iginiit ng Bise Presidente na kailanman ay hindi niya binigyan ng anumang direktiba si Madriaga kaugnay sa pondo sa kanyang kampanya.
Sa alegasyon kasi ni Madriaga, iginiit na pinangunahan niya ang deliveries ng malalaking halaga ng pera mula sa Bise Presidente para sa national campaign.
 
Ang pondo anya ay nagmumula sa Philippine Offshore gaming operators at mga drug lords.
 
Sinabi ng Pangalawang Pangulo na desperado na si Madriaga dahil sa kinakaharap nitong criminal charges.
 
Kaya naman anya ay nagpapakalat na ng kung anu-anong kasinungalingan.

About The Author