dzme1530.ph

PBBM, INIUTOS ANG PAGLILIPAT SA MGA PINOY NA NAGTATRABAHO SA MGA OIL REFINERY SA MIDDLE EAST SA MAS LIGTAS NA LUGAR

Loading

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng ahensya ng gobyerno na tiyakin ang kaligtasan ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa mga oil refinery sa Saudi Arabia at iba pang bansa sa Middle East. 

 

Sinabi ni Pangulong Marcos na dapat mailipat na sa ligtas na lugar ang mga Pinoy worker dahil kasama na ang mga pasilidad ng langis sa pinupuntirya ng missile ng magkalabang bansa. 

 

Dapat anyang tiyaking mailalabas ang mga ito ng ligtas at maililipat sa lugar upang makaiwas sa peligro at kapahamakan. 

 

Ipinaalala ng punong ehekutibo na kada oras at kada minuto ay nagbabago ang sitwasyon sa Gitnang Silangan kaya mahigpit ang pakikipag-ugnayan ng gobyerno sa mga lokal na awtoridad.

About The Author