![]()
Ginamit ni Maxene Magalona ang social media para ibahagi na stranded sila ng kanyang partner na si Geoff Gonzalez sa Dubai, sa gitna ng tumitinding hidwaan sa Middle East.
Sa instagram, sinabi ni Maxene na halos isang linggo na silang nasa Dubai at pakiramdam nila ay ligtas sila at paya sa kabila ng umiiral na digman.
Hindi tuloy naiwasan ng aktres na maalala na na-stranded siya sa Bali, Indonesia noong 2020 habang umiiral ang pandemic, kung saan sobrang takot ang naramdaman niya dahil literal na mag-isa lang siya.
Ngayon aniya ay pinagpala siya dahi kasama niya si Geoff na nag-aalaga sa kanyang at pino-protektahan ang kanyang kapayapaan.
Pinasalamatan din ni Maxene ang kanilang pamilya at mga kaibigan na nangumusta sa kanila sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe.
