dzme1530.ph

DOF, MAY PONDO NA PARA I-UPGRADE ANG MRT-3

Loading

Na-secure na ng Department of Finance (DOF) ang funding para sa rehabilitasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

 

Sinabi ng DOF na ang Japan International Cooperation Agency (JICA) ang magpo-provide ng third tranche ng loan para sa project sa pamamagitan ng 8.2 billion pesos na financing agreement.

 

Gagamitin ang naturang halaga upang ibalik ang  train system sa orihinal nitong kondisyon, pagbutihin ang performance nito, at ihanda para sa future expansion.

 

Inihayag ng  ahensya na lahat ng bahagi ng train system ay ire-repair, papalitan o i-a-upgrade, kabilang na ang riles, signals, power, overhead lines, communications, at station ang maintenance equipment.

 

About The Author