![]()
Kinumpirma ng Estados Unidos na anim na amerikanong sundalo ang napaslang sa pag-atake ng Iran sa isang military facility sa Kuwait.
Unang inihayag ng US Central Command na tatlong sundalo ang nasawi sa insidente subalit kinumpirma ng mga opisyal na dumoble ang death toll.
Ito’y matapos bawian ng buhay ang isang US Soldier dahil sa tinamo nitong injuries habang dalawa pang katawan ang natagpuan mula sa mga gumuhong semento at pader.
Sinabi ni Defence Secretary Pete Hegseth na isang US bunker sa Kuwait ang tinamaan matapos maglunsad ng missile ang Iran.
Ang anim na sundalo ang tanging fatalities na kinumpirma ng us military mula nang ilunsad ang bagong digmaan laban sa Iran kasama ang Israel.
