dzme1530.ph

PILIPINAS AT SOUTH KOREA, LUMAGDA NG MGA KASUNDUAN SA AGRICULTURE, TRADE, DEFENSE AT DIGITAL COOPERATION

Loading

Pumirma ang Pilipinas at South Korea ng nasa sampung kasunduan para pagtibayin pa ang kooperasyon sa key areas, gaya ng digitalization, agriculture, trade and investment, defense, at education.

 

Sinaksihan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at South Korean President Lee Jae Myung ang palitan ng nilagdaang Memoranda of Understanding (MOU), kasunod ng kanilang bilateral meeting sa Palasyo ng Malakanyang.

 

Sa joint press conference, sinabi ni Marcos na gumawa ang Pilipinas at South Korea ng malalaking hakbang para sa pag-usad at palalimin pa ang bilateral cooperation.

 

Lubos din ang pasasalamat ng Pangulo kay Lee at sa delegasyon nito sa kanilang produktibong pagbisita sa bansa.

About The Author