![]()
Nagpasalamat si Kathryn Bernardo sa kanyang fans sa pagrespeto sa kanyang mga desisyon sa personal na buhay.
Sa gitna ito ng umiiral na ‘dating rumors’ na nag-uugnay sa kanya kay Lucena Mayor Mark Alcala.
Madalas kasing makita ang dalawa na magkasama sa mga okasyon subalit wala pa silang inaamin tungkol sa estado ng kanilang relasyon.
Kamakailan lamang ay nakita silang kumakain sa isang restaurant sa Rockwell, Makati.
Sinabi ni Kathryn na ang kanyang tunay na fans ay nagtitiwala sa kanyang mga desisyon at hinahayaan siyang mag-grow at magkamali upang matuto.
