![]()
Nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi dapat maging hadlang sa paglilingkod sa bayan ang political differences.
Sa kanyang social media post, sinabi ng Pangulo na dapat laging mauna ang bansa at isantabi ang personal agenda.
Ginawa ng Punong Ehekutibo ang pahayag ilang araw matapos makaharap si Naga City Mayor Leni Robredo.
Sa hiwalay pang post, sinabi ng Pangulo na “Serve first. Argue later. Less noise. More nation-building.
Nanindigan si Marcos na ang pulong nila ni Robredo ay bahagi ng public service at hindi pamumulitika.
