dzme1530.ph

PAGKAKALOOB NG PRE-DEPARTURE INTEREST-FREE LOAN SA MGA OFW, IGINIIT NG ISANG SENADOR

Loading

ISINUSULONG ni Senate Committee on Foreign Relations Chairman Erwin Tulfo ng panukalang magmamandato ng pagkakaloob ng interest-free loan para sa mga OFWs. 

 

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1696 o ang proposed OFW Pre-Employment Loan Assistance Act, ang mga OFW na may valid contract ay pwedeng humiram ng hanggang ₱100,000. 

 

Prayoridad dito ang mga “first-time” OFW na sasailalim din sa libreng financial literacy seminar bago lumipad pa-ibang bansa.

 

Nakasaad sa panukala na layun ng loan na may maipambayad sa placement fees, medical exam, training, passport, visa, at kasama na rin ang airfare, at iba pang gastusin ng mga OFW.

 

Kapag naisabatas ito, ang Department of Migrant Workers (DMW) at OWWA ang mamamahala sa programang ito.

 

Walang interes ang loan sa loob ng unang taon ng pagbabayad. 

 

At upang matiyak Na mababayaran, kailangang maging “co-borrower” ang kahit isang kapamilya ng OFW. 

 

Ang mga baguhan o first-time OFWs naman ay pwedeng bayaran ang utang sa loob ng 18 buwan at maaaring mailagay sa priority access ng loan program at mabibigyan ng free financial literacy training.

About The Author