dzme1530.ph

P200 DAGDAG SAHOD SA MINIMUM WAGE EARNERS, MULING ISINUSULONG SA SENADO

Loading

Muling isinulong ni Loren Legarda ang panukala upang itaas ang minimum wage sa pribadong sektor.

 

Sa kanyang Senate Bill 1856, nais ni Legarda na madagdagan ng P200 ang sweldo kada araw ng mga minimum wage earners.

 

Alinsunod sa panukala, saklaw ng dagdag na sahod ang lahat ng manggagawa kahit ano ang employment status, regular man, contractual o sub contractual.

 

Iginiit ni Legarda na sadyang kapos na ang minimum wage sa ngayon upang matustusan ang pangangailangan ng bawat pamilya.

 

Ipinaliwanag ng senador na ang minimum wage ay dapat nakatutugon hindi lang sa pangangailangan sa pagkain at masisilungan kundi kasama rin ang edukasyon, healthcare  at pagkakaroon ng social life.

 

Sa ngayon, nasa P411 hanggang P695 ang minimum wage ng mga non-agricultural workers habang P366 hanggang P658 sa agricultural workers.

 

Inaasahan naman ni Legarda na sa sandaling tumaas ang sweldo ay sisigla rin ang economic activity dahil tiyak ang paggastos ng mga manggagawa.

About The Author