![]()
Pinuri at tinawag na “tamang hakbang” si Mamamayang liberal Rep. Leila de Lima, ang pagtutol ng ICC Prosecutor sa isinumiteng waiver ni ex-president Rodrigo Duterte.
Sa X post ni de Lima, tinawag nitong “contumacious” o kawalan ng respeto sa kapangyarihan at hurisdiksyon ng ICC ang hindi dito pagkilala ni Duterte.
Hindi lang umano ito isang waiver kundi “act of defiance” na hindi dapat palampasin ng Hukuman.
Saad pa sa post ni de Lima, hindi maaaring bigyan ng oportunidad ang dating Pangulo na baliwalain nito ang ICC.
Deserve umano ng pamilya ng mga naging biktima si Duterte sa war on drugs na makita ito ng harapan habang binabasahan ng sakdal.
Si Duterte ay nakapiit sa ICC facilities sa The Hague, Netherlands dahil sa crimes against humanity case na nag-ugat sa inilunsad nitong war on drugs nung siya ang Pangulo ng Pilipinas.
