![]()
Muli na naman nakasabat ang Bureau of Customs port NAIA ng illegal na droga dala ng isang Australian National sa Ninoy Aquino international Airport terminal 3 mula South Africa.
Nadiskubre ng BOC ang illegal na droga sa bagahe ng dayuhan, nang idaan sa regular X-ray screening ang mga bagahe ng mga pasaherong dumadating sa NAIA mula sa ibang bansa.
Nabatid na ang suspek ay galing South Africa at may connecting flight papuntang Hong Kong, kung saan dala nito ang hinihinalang shabu na may standard drug price na aabot sa P27 million.
Naiturnover na ng BOC sa NAIA-PDEA-IADITG ang nasabat na shabu para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposition.
Una nang binigyan diin ni NAIA BOC District Collector Atty. Maria Yasmin O. Mapa, na mas pinalalakas nila ang pagbanantay sa mga paliparan para maharang ang tangkang pagpupuslit ng sendikato ng iligal na droga papasok sa bansa.
