![]()
IPINAALALA ni Senador Panfilo Lacson na ang katiwalian pa rin ang nanantiling hamon sa sinumang mamumuno sa bansa.
Ginawa ito ni Lacson sa pagsisimula ng puwestuhan para sa halalan sa 2028.
Sinabi ni Lacson na umaasa siyang makakamtan ng bansa ang pinakamainam na kaganapan para sa kinabukasan nito.
Malinaw anyang hanggang ngayon ay ang katiwalian ang nagsisilbing hadlang sa paglago ng ekonomiya at sa pag-unlad na dapat sana ay maramdaman ng taumbayan.
Iginiit din ng senador na karapatan ng sinumang kwalipikado na kumandidato sa halalan kaya’t sinuman anya ang sasabak sa Presidential elections ay kanyang ipagdarasal.
