dzme1530.ph

EVACUATION SA MGA NAKATIRA MALAPIT SA BULKAN, IPINAG-UTOS NG DILG

Loading

Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government ang evacuation sa mga residente sa paligid ng permanent danger zone ng Mt. Kanlaon sa Negros Island. 

 

Saklaw ng direktiba ng dilg ang mga residente na nasa six kilometer radius. 

 

Inatasan ng DILG ang lahat ng lokal na pamahalaan sa paligid ng bulkan na maging alerto at maghanda sa posibleng pagtindi pa ng volcanic activity. 

 

Pinaghahanda rin ang lahat kaugnay sa posibilidad ng pagdaloy ng lahar partikular kapag bumuhos ang malakas na ulan. 

 

Pinatitiyak din sa lahat ng lokal na pamahalaan na maalalayan hanggang ang pinakaliblib na lugar sa danger zone.

About The Author